Weakness ni Anne = Manga. Lalo na yung may mga bishounen at nakakakilig na scene.
Darn. Ayoko na. Kaya di ako umaasenso eh. Haha, dami kong alam. :| Ewan ko ba talo pa nito yung makita o makatitigan ko yung crush ko eh. Tsk. Iharap mo ko sa manga hindi ko na mapigilan sarili ko. Parang ewan lang. Tapos pag may nakakakilig kikiligin ako, pag may nakakatawa tatawa din ako. Kaya ako nagmumukang baliw dito s bahay minsan eh. Biruhin mo naman, mag-isa lang akong nakaupo dito tapos tatawa nalang. Tsh. Tapos pag may nakakaiyak iiyak din ako. San ka pa parang ewan lang. Mali, tanggalin ko na yung parang. Ewan talaga ako. Hayyy. Tapos sabi ko pa naman din sa sarili ko di muna ako magbabasa ng manga. Bleach at Naruto lang muna. Tapos maya-maya lang naghahanap na ko sa Completed Manga ng babasahin. Kaya biglang nawawala yung mga pinag-aaralan ko sa utak ko eh. Kasi sa sobrang daming kwento, pangalan at kung ano-ano pang echos yung natandaan ko galing sa mga Manga na yan at minsan napagpapalit ko na mga pangalan nila at nakakalimutan ko na pati mga title eh, na-oover power nila yung mga lessons sa school. >.< Bakit ba kasi hindi nalang ganito ang pinag-aaralan sa school.
History: Mga Hokage, etc.
Science: Alchemy, pag gamit ng magic (spells), etc.
P.E: Kung papano mag Kage Bunshin, Taijutsu, pano mag bankai, etc.
Computer: Pano maging hacker, etc.
Diba?! Adik talaga ko. Haha, Confessions of an Otaku. :)) Astig. Anyway, naaasar na ko mag type. Sa susunod nalang. - End.