Friday-Sunday. April 23-25, 2010. Sa DLA Molino.
Isa sa mga happiest weekends of my life. :) Andaming na experience na bagay, andaming taong nakilala. Tapos meron din naman mga dati nang kilala na ngayon naging ka-close.
Pagdating namin *ako. si Neng. si Ate Clarr.* sa school ayun super lapit samin sila Ate Mika at yung kasama nya pang 2 girls tapos si Joanne *So sorry mga Ate I forgot your names.* para i-help kami mag taas ng gamit. Actually parang di nga help yung ginawa nila eh, they offered na sila na talaga yung magdadala sa taas. Nakakahiya siya, pero they really insisted. Pag kalagay ng stuff sa taas, bumaba kami para daw mag sulat ng name dun. Then nakita ko si Labs *si Vida* tapos ayun nag-intay kami *ako. si Neng. si Ate Clarr.* sa baba tapos may lumapit si Kuya Yoh dun sa table kung asan kami. *old friend number 1* Ayos nga eh, kilala pa pala ami nun ni Neng. ;)) Hinanap ko naman ng bonggang-bongga si Jerome kasi ayun, basta tapos sabi nila akyat daw kami. Kami naman, umakyat na. Pag akyat nakita ko dun naka upo na si Jerome at Mark Aurelio tapos si Kuya Earvin at kanyang kaaptid na naka upo na so dun kami umupo sa may kanila para masaya. Tapos blahblah nagsimula na yung introduction nagpakilala sila Kuya Mikee at Nanay *Ate Esa na di ko pa ka-close nun.* samin tapos yun. Me pakilala something pa ga silang ginawa eh. Ang kulit, sila Ate Pau at Ate Clarr natawag. Muntikan na din ako kasi nakita ako ni Kuya Mikee na nagpapasa ng knock-knock jokes ke Neng pero buti nakatakas. :D So ayun. May kyot kaming napansin ni Neng. Yung katabi ni Labs na naka-cap tapos yung katabi niya na parang emo kasi laging nakatakip ang panyo sa bibig. *Yung gawain ko sa classroom. :))* Guy 1 ni Neng si Cap Boy *Elijah ang name.* tapos Guy 1 ko daw *sabi ni Neng.* si Kuyang Parang-Emo. *Paul daw ang pangalan.* Tapos, inintroduce nila Nanay yung mga nilalang na may hawak ng instruments blahblah. Tapos maya-maya din napansin ni Neng si Kuya DonDon *na naguguluhan pa ako sa pangalan niya nung una dahil hndi ko naintindihan ang introduction ni Nanay.* kyoot daw. Ou naman ako kasi kyoot talaga. Basta blahblah. Tapos nung nagpractice kami ng songs, syempre kailangan kakanta. Eh si ako naman ayoko talaga kumanta *ugh.* pero kumanta pa din. Ang galing nila tumugtog tapos ang galing ni Ate Eve kumanta. Dun ko start naging idol si Lab namin ni Labs. :)) *Labyoo Labs. :))* Tapos blahblah ulit. Nag dinner na kami, Adobo ulam nun eh. Sarap kaso di ko naubos yung kanin kasi ang dami. Binaha. :DD Tapos yun blahblah ulit. Tapos nag Talk 1. Bigay daw ng 3 na Crazy Dream. :)) Naalala ko yung akin, todo crazy eh. Lol. Pero ayun, tapos nun binigyan kami nila Ate Venice *ata.* ng mga Faci namin. Tapos ayon, ke Nanay nga ako/kami ni Labs napunta. Tapos group daw kami. Sama kami sa group nila Joanne kasami si Ate Che at Ate Czarina tapos nag share share kami. Nung pataas na kami, dun nagsimula yung tawag namin ke Nanay na Nanay. :)) Ayun, mahaba-habang kwento ito. Tapos yun nung matutulog na kami, sinabi namin ke Labs na tabi na kaming tatlo *ako. Neng at Labs* matulog. So ayun tabi na kami. Di kami makatulog nun. Kwentuhan kami, tapos kumain kami ni Labs. KokoKrunch kanya akin Milo. :)) mga 4 something yung nakatulog si Labs tapos mga past 4:30 nung nakatulog ako. Mga 5 times ata ako nagising kasi hahatakin ko sana yung kumot, kasi nahatak ni Labs. Yung gising na gising na talaga ako, napatayo na ako sa sobrang lamig. Tapos may pumunta samin sabi bangon na daw. Andami kong boys na nakita na gising na. Almost lahat ata sila gising na eh. Me naglalaro pa nga ng soccer sa vb court eh. Day 2 na. So ayun. Mahaba-habang kwentuhan din ito. Basta napaiyak ako ng bongga ni Nanay nung nag 1 on 1 talk kami. Nasimulan kong crush si Lab nito at dito din natapos. Naging crush ko siya kasi idol sila mag gitara ni Kuya Yoh tapos tinugtog niya yung The Only Exception kaya napakanta kami ni Ira. :)) Tapos nung gabi naging stimulant siya namin ni Labs. Boahaha. Tapos nag game kami, napa-sulat si Labs ng Vida Angela pagala gamit ang kanyang butt. At nung kinamadaling araw nun umiyak ako ng bonggang to the point na nahirapan ako huminga. Pogee. Tapos nag bonfire kami sa labas. Sayang nga wala masyadong star nung una eh. Kung kelan kami malapit matapos ska naging mas visible yung night sky. Tapos kahit super nahirapan kaong huminga, bumirit kami nila Labs at Ate Clarr para pogi. Ayun tapos nung pinapatulog kami pasaway kami ni Labs na labas ng labas. Tapos yung huling pinapasok kami ni Ate Pat, tinext namin si Ate Ryzza na kung pwede kaming palabasin. Tapos pwede naman daw. Haha, ayos. Nag kwentuhan kami saglit tapos pumasok din ulit kami ulit ni Labs kasi dumami yung lamok. :)) Tapos nakatulog na kami. Haggard din yun, 1 hour lang tulog namin ni Labs. Tapos aga nagising, nag morning exercise, tapos nun natulog ulit ako tapos nag shower kasi mag-mamass daw. Nakita ko sila Aj *choir kasi siya.* at Aaron *di padin ako makapaniwala after 3 years na sakristan pala siya.* Super ang bilis mag mass ni Father tapos nung mag-bbless daw kami sabi nila para daw kaming binabatukan. Nung nag subo ng ostya parang tinutulak talaga samin eh. Tapos mahaba na naman kwento. Muntikan na namin makatabi si Lab. Pero ok lang, si Ate Mika naging seatmate namin. Ayun, sinabi ni Labs kung sino nga yung hinahanap niya tapos sabi ni Ate Mika ayun. Blahblah mahaba-habang kwento. Nalaman din namin kung sino-sino yung ibang magkakapatid sa service team. Tapos ayun. Balik sa school. Nag breakfast. Blahblah ulit. Nag Talk kami. Super inantok ako nun to the point na almost 7 times na ko naka idlip. Haha, 3 times ata nung naka blind fold kaya pinuntahan ako ni Nanay, labanan daw ang antok. Since ang galing ni Ira, nalaman na namin yung mangyayari sa end. kaya di na surprise. Boahaha, actually dahil din ang galing ko mag decipher *naks. dami kong alam.* ng clues kaya ko na-gets. Dumating yung parents namin in the end. Tapos ayun, jamming tapos nagpapakichur kami ni Labs kay Lab. Tapos mahaba-habang picture picture. Tapos uwian na. Pasaway nga si Labs eh, iniintay na ng Tatay niya dami pang sop stop na dinaanan. :)) Ayon. pasulat kami sa likod ng manual. Daming globe. Kaya daming katext. :D Pero nahihya ako itext. :)) Tapos uwi na. Pag uwi ko, nag ayo ng gamit at naligo at nanuod ng Inuyasha. Ayos eh, maganda sana kaso natulugan ko. Ginising ako ni Daddy 12 na ng madaling araw. :)) Ayon.
-- The End. :))